top of page
clpc-contact-banner.jpg

REPUBLIC ACT NO. 11361 ANTI-OBSTRUCTION OF POWER LINES ACT

  • Writer: Cotabato Light
    Cotabato Light
  • Mar 21
  • 1 min read


ree


ANO ANG RA 11361 o ANTI-OBSTRUCTION OF POWER LINES ACT?


Pinagtibay at nilagdaan ang batas na ito upang masigurado ang tuloy-tuloy na serbisyo at daloy ng kuryente mula planta hanggang distribusyon ng kuryente. Pinoprotektahan nito ang transmission, sub-transmission, at distribusyon system mula sa anumang makakasagabal sa ilalim, ibabaw, at mga lugar na dinaraanan ng linya ng kuryente.


ANU-ANO ANG IPINAGBABAWAL SA ILALIM NG BATAS NA ITO?


Pagtanim ng anumang uri ng halamang lumalaki o tumataas sa paligid ng linya ng kuryente o Power Line Corridor (PLC).


Pagtatayo ng anumang gusali o istraktura na maaring makaapekto sa daloy ng kuryente sa loob ng Power Line Corridor.


Pagsasagawa ng anumang uri ng delikadong gawaing maaaring makasagabal sa pagpapanatili ng serbisyo ng kuryente.


Pagpigil sa mga awtorisadong kawani o kinatawan ng tagapamahala ng mga linya ng kuryente tulad ng Cotabato Light na makapasok sa pribadong lupain upang gawin ang kanilang trabaho tulad ng maintenance, inspection, clearing activities, at iba pa.


ANO ANG KAUKULANG PARUSA SA PAGLABAG NITO?


UNANG PAGLABAG - aresto mayor (hanggang 6 na buwang pagkabilanggo) o multang P50,000.


IKALAWANG PAGLABAG - prison correccional (hanggang 6 na taong pagkabilanggo) o multang P100,000.


IKATLONG PAGLABAG - prison mayor (hanggang 12 na taong pagkabilanggo) o multang P200,000.


bottom of page